natatandaan niyo pa ba yung entry ko tungkol sa tatlo kong kapatid? kung hindi na click mo josa
para naman mas makilala niyo, eto mga pics nila. kasama pala ako! 
ako, si cleng at si ate jing. o di ba mukhang adik si cleng? at parang inagawan namin ni ate jing ng pagkain, hahaha!
apat kami, hehehe. wala jan si ate ymay. ngayon ko nga lang napansin na wala ata kaming pic na magkakasama.
eto si ate ymay. o di ba parang antino-tino niya? hahahahahaha! pero baka naman sabihin inapi siya eto ang "mas matino" niyang pic. 
di ko lam kung kelan kami uli magkakasama ng kumpleto niyan.
Written by princesscha at 02:03 PM. Filed under Mga kung ano-ano lang :P.
balik school ako kanina. binisita ko yung school na pinagtrabahuhan ko dati for 4 years! mejo may kalayuan dito yun sa bahay. mga isang oras na biyahe sa coaster or van. tapos 20 minutes na biyahe sa tricycle or motorbike. e kamalas-malasan, sa duwapang na tricycle ako sumakay nung papunta dun. wala ako nagawa, ke aga-aga naholdap ako. tsk tsk.
so pagdating ko sa school, nasa loob ng simbahan lahat ng tao: sportsfest pala nila. galing kong tumayming!
pagpasok ko ng simbahan, instant celebrity ako, hahaha. nakatingin sa kin mga estudyante. umakyat ako sa loft para di muna makaabala ke Jesus (joke!) may ilang mga estudyante ako dati na kumakaway sa kin, so kaway din naman ako. baka sabihin suplada ako sa personal, bwahahahaha!
mukha namang excited silang makita ako, bwahahaha! may pa-hug hug pa yung ibang teachers dun na hindi ko naman ka-close dati, hahaha. ampaplastik! 
at dahil nun lang ata sila nakakita uli ng maputi (joke uli!), instant judge ako sa isang event. na hindi ko naman talaga alam i-judge kasi di naman ako sumasali dito: ang PEP SQUAD! aba, lumi-level ako sa mga high ranking people ng school, imperness. parang ka-level ko na yung director, principal at asawa ng vice mayor kasi sila ang mga kasama ko sa pag-judge. at isa pang pag-level! binabati na ko sa opening remarks ng principal, bwahahahahaha! eto ebidensiya:
ang talent fee ko lang jan e libreng mineral water, bwahahaha! wala pa ding pagbabago ang school ko, hmp!
so after ng judging, nag-campus tour ako. ehehehe, artistahin talaga. binisita ko yung elementary department, yung teritoryo ko dati.
yan ang first classroom kong pinagturuan 6 years ago. hindi ganyan itsura nun dati. bago lahat nun. from paint ng buong classroom, mga upuan pati ako bagong salta lang sa pagtuturo, hahaha. bago talaga lahat! madaming nabukulan jan, madaming estudyanteng nag-away, may nagsaksakan pa ng lapis, pero mas madami yung mga happy moments. nung makita ko nga mga estudyante ko kanina, parang mejo nagpanic ako kasi anlalaki na nila! ibig sabihin tumatanda na ko, waaaahhhh... maliliit pa sila nung iniwan ko, pagbalik ko anlalaki na nila!!! anlalaki din ng mga ngipin!!! wahahahaha..
at siyempre, ang nakakaiiritang reaksiyon nila nung makita ako: "ang taba mo na... pero maganda..." hindi ba pwedeng mauna muna yung maganda bago yung mataba??! request lang. tapos yung isang epal na parent kanina nung makita ako, "teacher cha, ang taba mo....!" sabay ngiting plastik. so plinastikan ko din ang ngiti ko sabay sabi sa isip ko, "hello?! di tayo close?? actually last na magkita tayo hindi tayo okay. asar ako nun sa yo, okay?? at asar din buong faculty ng elem sa yo kasi lahat na lang nireklamo mo para lang maiangat ang grades ng anak mo. tapos ngayon, feeling close ka?!" pero hindi niya naririnig yan, hahaha.
iniisip ko kanina, gusto ko bang bumalik sa teaching profession? isang malaking NO!!
parang ganito, "i remember the boy, but i don't remember the feeling...anymore...." bahala na kayong mag-connect!!
Written by princesscha at 08:19 PM. Filed under Mga kung ano-ano lang :P.
dahil pulubi na ko, umuwi muna ko sa min para magpa-ampon sa nanay ko, hahaha.
at kaninang umaga, sa likod bahay namin, nakita ko to:
Tingnan mo nga naman! Marunong makipag-usap ang basurahan namin????!!!! adik!
Written by princesscha at 02:17 PM. Filed under Mga kung ano-ano lang :P.
12:15 am, August 30. kakarating ko lang ng bahay pagkatapos ng napakahabang huling araw ko sa opisina.
nag-iisip pa lang ako ng gusto kong kainin for breakfast, dumating si shiela dala to:
ayos. libre breakfast!
dumating ang lunch, nagtreat ang boss ko:
ayos. libre na naman.
pagdating ng merienda, nagtreat ang HR Officer namin (boss ko din):
shet. busog na, libre pa!
pagdating ng 6pm, may surprise visit pa from anjowa ko. wala nga lang pichur kasi nagmamadali ako bumaba.
after office, eto naman treat ng mga kasama ko:
kaya umaga na ko nakauwi.
shet. isa lang ibig sabihin nito: TUWANG-TUWA SILANG NAG-RESIGN NA KO! 
Written by princesscha at 01:04 AM. Filed under Mga kung ano-ano lang :P.
Babala: Basta Babala! Aangal ka pa e!
Nasa huli daw ang pagsisisi. Pero ako hindi dahil nagsisi na ako bago ako magpagupit. Oo, nagpagupit na ako ng buhok pagkatapos ng halos isa't kalahating taon. Nagsisi na ako bago ako magpagupit dahil alam kong hindi ko makukuha ang talagang gusto kong gupit, siguro mahirap gawin at di nila alam yung itsura. Sayang haba pa naman ng hair ko. Pero ok lang yan, hahaba ulit 'to. Sobrang ikli na talaga. Siyet! Haha!
At bukas kailangan kong maghanda sa mga sasabihin nila sa'kin..
"Chins, mukha kang tibo." Oo na, alam ko, sanay na ako dyan. Ang ganda ko kasi e. Pastilan. Sana naging babae nalang ako para di na ako nagpagupit. Mas bagay kasi talaga sa akin ang long hair, mukha nga lang talaga akong babae, napagkakamalan pa. Ang ganda ko siyet! Dami nga naiinlab sa akin e. Hahaha! Headturner ako tol. Pero hindi, lalake ako. At hindi habangbuhay bata ako. Tinutubuan na nga ako ng bigote e, tapos laki laki na ng tiyan ko. Di na bagay sa akin. Buti sana kung dalaga ako.. sori binata ako. Hahaha! Ilang beses na rin ako napagkamalang gel dahil sa buhok kong mas mahaba pa sa buhok mo. Hehe. Nakakainis pero parang ang saya din, kasi napatunayan ko na na ang ganda ko pala talaga pag naging babae ako. Hahahaha! Ops, mali ang iniisip mo. Maling mali. I ain't gay. No way. Neber!! Dili ako bayot uy! Mamatay nalang ako kesa maging ganun. Ngayon alam ko na kung bakit nagpaparetoke at kung anu ano pa ang pinaggagagawa ng mga babae at homo sa mga katawan nila. Iba ang pakiramdam kapag maganda ka. Pero hindi naman lahat ganun. May advantage at disadvantage din yun no. Alamin nyo na yun, kung hindi alamin nyo nalang, katamad itype e. Hehe!
Dami kong sinabing walang koneksyon sa buhok e no? Astig.
Buhok ko noon in-order...Bunot, Hati 2x3, One-side, Hati 2x3 ulit. Tapos nung 2005 hanggang 2006, Long hair layered hairstyle ang ganda ng lola mo. Hahaha! Tapos Maikling buhok March 2007. Humaba at nagpalayer ako nung July 2008. At kani kanina lang maikli nanaman.
E ano ba talaga ang gusto kong hairstyle? Yung anime! Simpleng anime na mahaba ang patilya at maikling bangs. Tipong japanese/korean hairstyle na babagay sa akin.
Gusto nyo ba makita pic ng long hair ko? Wag na baka makakita kayo ng monster. Upload ko nalang pag may oras ako bukas.
{ music } Valle Ocultado - DJ Cor Finjeman
{ mood } unrequited love. mood ba yun?
Written by chinochocobo at 11:37 PM.
uwi ako sa mindoro next week. ngayon pa lang pinaghahandaan ko na mga gagawin ko para hindi ako mabagot agad (at baka maiisipan ko agad na bumalik ng manila). mejo nagiging addict ako sa mga series ngayon kaya hingi ako ng suggestion kung ano magagandang panoodin. yoko ng action or suspense. eto mga napanood ko na:
1. one tree hill seasons 1-4 (may copy na ko ng season 5)
2. chuck season 1
3. gossip girl season 1 (para di ako maapi ni itchyme, hehehe)
4. america's next top model season 10
5. entourage (na hindi ko na-appreciate)
ano pa ba maganda?
Written by princesscha at 08:52 AM.
Written by aio at 03:55 PM.
normal ba yung feeling?
kanina kasi bigla na lang sumulpot yung ex ko dito sa office (may kinuha atang papel or whatever). pwede naman kaming di magkita kasi mejo private naman tong work station ko, pero bigla na lang sumulpot sa harap ko. at alam niyo yung feeling? parang di ako makahinga. naninikip yung dibdib ko tapos mejo kinakabahan ako (mejo lang talaga yung kaba, wag ng kumontra.)
at alam niyo ba ang sinabi niya nung makita ako? "ang taba mo ngayon ah...." PUCHA to the highest level!!! sa lahat naman di ba? pwede namang wag na lang magsalita! malabo yung sinabi niya eh pero ganyan ang pagkakarinig ko. so sabi ko na lang, "o, bakit nagpapacute ka ngayon dito?" blangko ang expression ng mukha ko. pero ansarap batuhin ng upuan sa tabi ko.
di ko na siya gusto or mahal, SURE AKO DUN. nagtataka lang ako bakit ganun. nakaka-tense din pala. siguro na rin, yun ang first meeting namin after nung final break up. siguro nga ganun na lang.
Written by princesscha at 12:43 PM. Filed under Mga kung ano-ano lang :P.










