January 8th, 2009

Of hatred and bangungots

I sometimes hate people irrationally. I hate myself for being this way but there are times when it feels really good. (annoyed) (smile)

***

Ano bang tawag dun sa feeling na hindi ka makagalaw habang tulog ka? Yung kahit gusto mo na gumalaw, ayaw talaga? Ang weird, nangyari na naman sakin kanina. Sabi nila bangungot daw yun pag ganun. Tapos kapag ganun daw, galaw-galawin ang toes. Grabe, ginawa ko nga! Pati fingers ko sa kamay. Sobrang aware ako na ginagawa ko, tapos ang hirap makagalaw. Grabe, ang galing na phenomenon ito. Sabi nila nakakamatay daw yun?

January 5th, 2009

Update para sa mga fans, ahahahaha!

pagbigyan na ko sa title, blog ko naman to. kaya sa commenter ko na itago natin sa pangalang guest, wag mo ng kwestiyonin bakit ako may mga fans, okay? sige, update lang bago maubos ang load ng internet namin (oo na! jologs ang internet namin dito, de metro! buti pa sa mindoro unlimited. ewan nga ba bakit prepaid pa pinili namin, ahahahaha!)

so ayun nga, unang araw kanina ng career ko. hindi ko pa siya masasabing trabaho kasi baka maudlot pa. alam mo naman, pag bino-broadcast ko biglang di natutuloy. clue kung ano to? may pag-asang pumayat ako dito at linggo linggo kailangan kong magpasalin ng dugo sa kaka-nosebleed. yun na yun! kanina kasi yung first day ng training. sana naman this time ma-career ko na to? na-frustrate ako nung una kong try eh, hahahaha! ma-break ko naman sana yung record kong 2 months, gawin man lang nilang 2 months at 1 day. joke lang! (baka may kokontra na naman!!) e bakit ko ba naisip i-career to? dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1. walking distance lang mula sa bahay ko. ibig sabihin hindi ko na kailangang gumising ng maaga para makapagpakitang-gilas sa attendance, at hindi ko na kailangang makipag-siksikan sa MRT! good news di ba?

2. hindi ko kailangang mag-business attire. e allergic nga ako sa pormalan di ba?

3. may pag-asang pumayat ako dito. katulad ng nabanggit ko kanina. pero siyempre nasa akin pa din no? basta, papayat ako dito!!

4. may nakita akong okay na ka-buddy dito: babae, hindi nag-iinom, hindi nagyoyosi, maganda, ka-sense of humor ko. yun nga lang, mas bata sa kin kaya todo ate ang tawag sa kin, pero okay lang. napansin ko din kasi lahat ng kaibigan ko ngayon mas bata sa kin. hindi na ata nag-improve ang maturity ko. at isa pang negative sa friend ko na to, mukhang mapapaaway kasi sa kataklesahan, ahahahaha!

ngayon, kung papalpak pa din ako dito isa lang ibig sabihin nun: boplaks ang communication skills ko, ahahahaha! pero hindi man ako pumasa dito, may plan B pa naman. wish me luck! tumatanggap din ako ng prayers!

(annoyed), srsly.

I demand that you don't write in English coz it just makes me weak in the knees goddammit.

Posted by subjunctive at 06:11 PM in Rigmaroles | 5 1,827,284,023 comments

January 4th, 2009

Kapal ng mukha

Kapal ng mukha. Di na nga ako pinansin sa tanong ko dati tapos ngayon hihingi hingi ng kopya ng isang design. Ay leche.

Bawal magtanong. (annoyed)

Posted by subjunctive at 09:53 AM in Misanthropic | 1,827,284,023 comments

January 3rd, 2009

All in one shirt

 

Haburdei!!!!

dahil special day to, pipilitin kong gawin seryoso ang entry ko:

isang taon na ang nakakalipas mula ng mabuo ang ating relasyon. magulo pa isip ko nun, hindi ko alam ang gagawin ko, wala akong masabihan ng mga problema ko. dumating ka, inaliw mo ako. pinakinggan mo ang lahat ng sinasabi ko. pinakilala mo ako sa mga bagong kaibigan na nakaintindi sa sitwasyon ko.

sa kabila ng mga pagkukulang ko, lagi ka pa ding anjan sa tabi ko. sa kabila ng mga typo errors, pagkakabali-baligtad ng letters (typo na nga yun shungak!), mga maling grammars at spelling (isisi na din natin yun sa typo.. ), iba-ibang moods ko, mga pagmumura ko, anjan ka pa din at nakasuporta ay hindi mo ako tinalikuran. may mga pagkakataon na nakakalimutan kita, inaagiw ka na at nilulumot dahil sa aking pagka-distract sa mga makamundong (pagnanasa.. joke lang) bagay, hinihintay mo pa din ang aking pagbabalik. ikaw ang nagpapaliwanag sa presinto sa mga mambabasa ko kung bakit matagal akong nawala. hindi mo ko iniwan kahit paulit-ulit na kitang naiwan. daig mo pa ang isang loyal fan. at dahil jan, mahal na mahal kita, ng mas higit pa sa buhay ko! (joke lang yan, shempre mas mahal ko buhay ko)

nga pala, dahil birthday mo naman, magpapaalam na din ako sa yo. (hindi ako aalis, shungak!) hihingi ako ng perimiso kung pwedeng palitan na natin ang username mo, corny na eh. saka part pa ng past ko yang pangalan mo na yan, di ko na feel. yun nga lang, wala pa kong naiisip na astig na pangalan mo. mag-isip ka na din ng kung anong gusto mo tapos sabihin mo lang sa akin. ayoko ng "maputi at malusog", parang biik lang.

o siya, tigilan na natin ang kadramahang ito. dumudugo ang ilong ko sa kaseryosahan, di ko gusto. basta, madami pa tayong pagdadaanan, madami pa tayong makakabangga (wag naman sana at baka masermunan na naman ako), madami pang mangyayari. jan ka lang, dito lang ako.

happy birthday blog!!

January 1st, 2009

My 17th

I can't express into words how my 17th turned out to be the best. See, first sentence pa lang ang gaga na.

I attended Wisdom's reunion and God my oh. I-had-so-much-fun is the stupidest understatement for it.

We went to some bar here in Las Piñas and I crushed the vocalist of some band. And I became some 21-year-old flirt.

My friends slept over at my crib yow. We watched nakakabobong movies, ordered fast food, and what else Riener?

Basta, masaya.

Happy New Year...

Medyo late na ako pero... Happy New Year sa lahat.

Bye bye, Year 2008. Welcome, Year 2009.

Bagong paglalakbay nanaman at kung anu ano pa ang mangyayari sa taong ito.

Sana good lang lahat. Hehehe.

Posted by chinochocobo at 10:57 PM | 1,827,284,023 comments
« Newer | »