alaala ng mga kaibigan at mga kaopisina. (parang ampanget pakinggan!) 
Written by princesscha at 04:32 PM. Filed under Mga kung ano-ano lang :P.
Wag magbabasa ng cellphone ng ibang tao...
baka di mo kayanin ang mababasa mo. 
Written by princesscha at 03:30 PM. Filed under Love Eklavu!.
ewan ko. wala naman talaga kong alam isulat ngayon pero feeling ko kailangan kong magsulat sa importanteng araw ng aking buhay. sa araw na ito ipinagdiriwang ko ang aking ika-26 na taon ng pagsilang (di lang pala english ang nakaka-nosebleed!) sa loob ng 26 years, ano ba natutunan ko sa buhay? wala akong malalim na masasabi, di ko naman tinuturing na malalim ang buhay ko. sa totoo, boring ito. siguro kung nabuntis ako nung 18 years old ako, or nakapag-asawa ako ng bata, yun! exciting sana. pero hindi. comedy pa, oo. madami akong katangahang nagawa at alam kong marami pa kong magagawang katangahan. sa loob ng 26 na taon, wala pa kong nakikitang malaking contribution ko sa pamilya ko.
wala akong pinagsisihan sa mga nangyari sa buhay ko. pero kung pwedeng ibalik ang nakaraan, may mga bagay ako na gustong baguhin para naman mas maging masaya ang buhay ko ngayon. para mas maging masaya din ang buhay ng mga tao sa paligid ko. para naman masabi nila na maaasahan na din ako. pero hindi naman pwedeng baguhin, so magtiis na lang sila sa kung ano ako ngayon.
hindi ko alam kung pagkatapos ng araw na ito ay magiging dalaga na ako, di ko maipapangako. pero pipilitin ko. hindi para sa ibang tao kundi para na din sa sarili ko. kung nagbabalak ako na lumagay sa tahimik 5 years from now, dapat simulan ko ng gawin kung ano dapat kong gawin. kung balak ko naman magpaka-single forever (knock on wood!) dapat may ginagawa na din ako ngayon pa lang para di ko naman pagsisihan na may sinayang akong oras.
special ang araw na to. hindi dahil may handa ako or madami akong pera. actually, di ko party ang pinaghahandaan ngayon dito sa opis. kasabay ng birthday ko ang bridal shower ng ka-opismate ko. wala din naman akong madaming pera, ilang araw pa bago mag-sweldo. masaya ako kasi makakasama ko sa araw na to ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko. at kahit anong mangyari mamaya habang magkasama kami, solb na ko.
at kahit di nyo ko batiin, babatiin ko sarili ko: happy birthday to me! 
Written by princesscha at 01:21 PM. Filed under Mga kung ano-ano lang :P.
kanina na ata ang pinaka-matinding araw ko sa mrt. wala pang 7am nasa loob na ko ng station. after 2 hours, saka pa alng ako nakasakay ng tren. at yun e sa pamamagitan pa ng pakikipagbuno sa mga katabi ko. buti na lang malakas ang katawan ko. 
sa mga ganitong pagkakataon, natutunan kong gumawa ng paraan para naman maaliw ako:
1. makibasa ng text message ng katabi mo. (ito ang isa sa mga libangan ko. posible to sa sobrang siksikan. one time, may nabasa ko na ganito ang sabi ng katext niya: "i wanna f*ck you baby. bi-video na talaga kita bukas, di pwedeng hindi." hahaha! hindi man lang tinago ang celphone niya e mukhang nakikipag-sex on phone siya.) malalaman mo sa way ng usapan nila kung boylet, friend or relatives yung katext.
2. makinig sa kwentuhan ng katabi mo, or kahit na sino dun na malalakas ang boses sa pakikipagkwentuhan. bago ka makarating sa pupuntahan mo, malalaman mo na life story niya.
3. murahin (pero sa isip mo lang) ang mrt management pag nagpapaakyat na sila ng ibang pasahero habang madami pang tao sa taas.
4. pakinggan ang mga naghuhuramentadong pasahero na galit na galit na dahil kanina pa silang di nakakasakay. pramis, nakakaaliw to!
5. panoodin ang mga nagtutulakang mga pasahero sa pagpasok sa tren. (pag di ka kasama sa nagtutulakan, nakakaaliw, pero pag isa ka sa kanila, parang gusto mong magwala.)
6. bilangin ang mga kasabay mo na mukhang di naligo (pag umaga).
sa mahigit dalawang taon ko ng pagco-commute sa mrt (cubao to ayala - ayala to cubao) nakabuo na din ako ng mga do's and don'ts sa pagsakay sa mrt lalo na sa nabanggit na mga estasyon:
a. (hanggat maaari) wag kang magsusuot ng high-heeled shoes. kawawa ang maapakan mo.
b. wag kang mag-chinelas (pag rush hour). una, masakit sa paa kapag naapakan ka. ikalawa, baka maiwanan mo lang chinelas mo.
c. (hanggat maari, pag rush hour) wag papasok na naka-make up or todo effort sa pagpapaganda. sayang lang ang effort mo. dadating ka din sa office na pawisan, magulo ang buhok at hulas ang make-up.
d. kung pwede lang, tuyuin muna ang basang buhok (mula sa paliligo) bago ka makipagsiksikan. hindi maganda sa pakiramdam ang basang buhok sa mukha (ng katabi mo).
e. huwag malikot sa pila. bawal ang masyadong malikot na kamay or katawan. nakakaistorbo na sa katabi, baka mapaaway ka pa.
f. bawal ang manulak pero matutong lumaban sa tulakan. parang self-defense lang. para hindi ka mabuwal sa kinatatayuan mo.
g. magdala ng panyo or pamaypay. or siguro twalya na para mas sigurado.
h. lalong lalo na sa umaga, wag kang makipag-usap sa katabi kung di rin lang napaka-importante. kahit nagtoothbrush ka pa, hindi maganda sa pakiramdam yung hinihingan ka sa mukha.
isa lang ang tanong ko: bakit ang mga lalaking pulis e sa unahang train nakikisakay? hindi naman sila babae, bata, matanda or may kapansanan..... pero baka nga may kapansanan sila!
Written by princesscha at 03:43 PM. Filed under Mga kung ano-ano lang :P.
