January 13, 2008
favorite:
Oo. Naiiyak ako.
UP. Suntukan ang pagpasok kasi nga lahat gusto dito mag-aral at syempre kasama na ako sa libu-libo iyon na nag-aasam na makapasok sa napaka(ano tagalog ng prestigious? hahaha) na unibersidad na ito. Anyway, ayun nga. Hindi ako pina-review classes ng magulang ko. At aaminin ko, bitter ako kasi karamihan sa mga batchmates ko, nagrereview classes. Edi ano pa kayang pag-asa ko na makapasok dito e sa mga marka ko palang sa report card, hindi mo na pwedeng sabihin na kahanga-hanga ang mga ito.
Pero wala e. Di nasunod gusto ko kaya doon nalang ako sa Plan B. Mag-aral mag-isa. Ang ganda ko naman. Kaya sige, basa dito, basa doon. Minsan nakakatulog ng nakapatong sa mukha ko yung Bio book, pasagot-sagot ng mga Math problems at kung anu-ano pang bagay na baka lumabas sa test. Maraming nagsasabi na "Stock Knowledge" lang yan. Sabihin mo yan sa taong katulad ko na tuwing nagtatapos ang taon, ay nababawasan ang katalinuhan ng mahigit sa kalahati.
At ito ang pinaka-nakakatawa sa lahat. Ang kapal ng mukha ko.
Diliman at Manila ang nakalagay sa application form.
O diba? Kagandahang suntok sa buwan.
Pagdating naman ng huling taon, nagkaroon naman ako ng kaklase at kaibigan na Study Buddy. Oo, kusa kaming naglalaan ng isang oras para mag-aral ng Math. Siguro, dahil na-bwisit na rin ako sa pangungulit ng mga tao na hindi ko kayang ma-ipasa ito kaya ako napilitang magpursige. Pareho kami ni Louise. Pero syempre, pag kaibigan ang kasama, madalas napupunta sa kung anong ka-ewan-an ang usapan kaya hindi mo talaga pwedeng masabi na seryoso kami dito.
Ayan. Pagdating ng UPCAT. Maximize your skipping power! Naalala ko pa suot ko noon, Naka BRAIDS, naka-shorts at naka blue na shirt. Talagang pinagplanuhan ko yung baon at breakfast ko. Tapos alam nyo ba ang tumutugtog sa radyo pagbukas ko nito ng umaga pagkagising ko? THROUGH THE FIRE. O diba? Ang taray. Hahahahahahaha!
Natapos ko naman sa awa ng Diyos. Medyo sabaw na sabaw nga lang pag-uwi. Anak ng ewan yung init. Mga isang oras ko rin atang hinintay tatay ko dahil sa sobrang trapik.
Pag-uwi sa bahay, tinanong nila ako tungkol sa dito at parang sagot ko ay, "OK LANG."
E pupunta kami sa Avalon, Greenhills noon kasi party ng pamangkin ko sa pinsan at ito ang nakakatawa, pinagmamayabang ng tatay ko na NADALIAN LANG daw ko. Ang sarap batukan. Kasi hindi naman naging madali para sa akin yun! Hindi nga lang kasing-hirap ng inaasahan ko, pero mahirap parin!
Nagyayang magsimba ang tita ko at dahil unang beses ko doon, humiling ako na sana makapasa ako ng UPCAT kahit na't tapos na ang lahat-lahat. Hindi na pwedeng mag-last hirit.
Sige bahala na. Anim na buwan. Kaya yan.
Pagkatapos ng UPCAT, ACET at USTET naman at ika nga, time flies when you're having fun. Kaya ito, hindi ko namalayan na labas na daw yung resulta. Parang ang hirap paniwalaan kasi sa Pebrero pa daw ilalabas diba? Wala na akong oras para atakihin ng kaba kasi bukas ay malalaman ko na. Pagkatapos ng ensayo namin para sa Song Fest sa park ng La Vista. Nag-jeep na kami papuntang UP at ang maganda kong kaibigan na si Marmar ay tumawag sa aking selepono. PUMASA DAW AKO. UP DILIMAN. BS Interior Design.
Napa-sigaw ako at napaiyak.
OO. HUMAHAGULGOL AKO SA LOOB NG JEEP NA PUNO NG TAO NG WALANG TISSUE. Naghalo-halo na ang laway, sipon at luha sa mukha ko kakaiyak ng malaman ko na pumasa ako. Kasi sige, sabihin na nating umaasa ako pero hindi ko sukat akalain na makakalusot ako sa Diliman. Hindi, DPWAS(Degree Program with Availabe Slot), hindi Pending. Pasok na talaga.
Natupad ang hiniling ko sa Diyos sa simbahan na yun. Thank you po.
Salamat rin sa inyong lahat na naniwala at gumabay sa akin. T_T
Uhuging freshman palang ako, UP na dreamschool ko.
Ang drama ko. X_x
Written by kaktus at 12:47 AM.
8 danced in september

Mikko (guest)

For the past weeks, kinakabahan ako kasi meron akong pakiramdam na di ako makakapasa!
Ui, I wanna meet you in UP kung sakali mang maguUP Diliman ka. Hehehe.
kaktus

KITAKITS SA DILIMAN! Basta hot na matangkad na freshie. AKO NA YUN. Hahahaha kapal. :))
ekangkarot

at bs interior design??? kukuha ka ng architecture subjects!!! magku-krus ang landas natin!!! WAHAHAHAHAHAHA!!!
kaktus

Grabe. Umiiyak talaga ako kahapon. T__T
Anyway, kitakitakitakits! <3
Fatima (guest)
kaktus

metalmouth (guest)
kaktus
